Posibleng pumasok sa PAR o Philippine area of Responsibility bukas ang namataang LPA o Low Pressure Area.
Ayon sa PAGASA huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong mahigit 1000 kilometro Silangan ng Mindanao.
Nananatili namang apektado ng Inter Tropical Convergence Zone ang Visayas at Mindanao.
Kaugnay dito, asahan na ang hanggang 5 pang bagyo na papasok sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Ipinabatid ito ng PAGASA matapos i-ulat na 12 bagyo na ang pumasok sa teritoryo ng bansa sa unang 10 buwan ng taon.
Sinabi ng PAGASA na mahalagang maghanda sa pagdating ng mga bagyo bagamat hindi pa naman nila batid kung magiging malakas ang mga ito.
By: Judith Larino