Asahan na ang maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ito’y ayon sa PAGASA ay kasunod ng pag-iral ng hanging Amihan o Northeast Monsoon at tail-end of a frontal system sa Luzon at Visayas.
Habang isang Low Pressure Area naman ang binabantayan ng weather bureau sa layong 490 kilometro silangan timog-silangan ng Davao City.
Kasunod nito, pinag-iingat din ng PAGASA ang lahat ng apektadong lugar na maging laging handa sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.