Patuloy na binabantayan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa Natonin, Mountain Province.
Ayon sa PAGASA, apektado ng nasabing LPA ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley Region at Aurora.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng localized thunderstorms at iiral ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin maliban pa sa isolated rain showers sa hapon at gabi.