Malabong maging isang ganap na bagyo ang Low- Pressure Area (LPA) na nakita sa Silangang bahagi ng Samar ngayong Martes ayon sa PAGASA.
Ayon sa ulat ng PAGASA tinatayang may layong 285 kilometro sa Silangan ng TimogSilangang parte ng Borongan City, Eastern Samar ang naturang LPA at malaki ang posibilidad na malusaw ito.
Samantala, patuloy namang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang mga lugar ng Zambales, Palawan at probinsya ng Mindoro dulot ng hanging Amihan.
Habang mararanasan rin ito sa Silangang Visayas at Caraga bunsod ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).