Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa normal ang lahat.
Paglilinaw ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, na bahagi ng ginagawa nilang preparasyon para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ang namataang PNP Assets sa Camp Crame.
Giit ni Aguilar, makakaasa ang publiko na patuloy na poprotektahan ng AFP at ng iba pang government security forces ang kaligtasan ng lahat laban sa mga grupong nais maghasik ng kaguluhan sa bansa.
Samantala, sinabi nito, na naging maayos ang change of command kahapon para sa tuluyang pag-upo ni General Andres Centino bilang AFP Chief of Staff.
Ayon kay Aguilar, buo ang suporta ng AFP sa liderato ni Gen. Centino at sa mga hangarin nito na maprotektahan ang publiko at depensahan ang territorial integrity at national sovereignty ng bansa.