Pinaaaresto ni bagong Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento ang mga aniya’y namedroppers o gumagamit sa kaniyang pangalan para makapangikil.
Kasunod na rin ito ng mga sumbong na natatanggap ni Sarmiento hinggil sa mga gumagamit ng kaniyang pangalan para maka-raket.
Kasabay nito, ipinag utos ni Sarmiento sa PNP ang pagpapaigting ng kampanya laban sa gambling operations lalo’t lumalakas ang jueteng dahil sa nalalapit na eleksyon.