Nagbabala ang pamunuan ng Philippine Red Cross molecular laboratory na papatawan ng parusa ang mga mahuhuling namemeke sa mga COVID-19 test certificate.
Ito’y matapos mahuli na ang ginamit ni Julius Vega Alfone na may address na E.Rodriguez Qc ay peke.
Dahil dito, magsasagawa nng imbestigasyon ang prc at legal na aksyon sa gumawa ng pekeng COVID-19 test certificate.
Samantala, hinimok ng prc ang taumbayan na gumamit ng QR code printed sa gitna sa kaliwang bahagi ng PRC test certificate para malaman na ito ay lehitimo.
Bukod dito, nanawagan ang PRC sa publiko na makipag-ugnayan sa mga ahensiya at agad na ireport ang sinumang gumagagawa o namemeke ng naturng certificate.