Nasakote ng mga otoridad sa Caloocan City ang isang lalaking hacker na tinutugis mula pa noong 2017 dahil sa pamemeke ng mga website ng mga bangko para makuha ang detalye ng mga tao at makapagnakaw ng pera.
Kinilala ang suspek na si Crisostomo bilang alyas “Mang Kepweng” sa Cyberspace.
Pinagmumulan ito ng mga pekeng bank e-mails at gumagawa ng scam page o fake websites na gayang gaya sa orihinal na website ng bangko.
Nakatakda namang suriin ng mga otoridad ang laman computer,para malaman kung sino pa ang target ng operasyon.
Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang suspek na nakakulong ngayon sa NBI Detention Facility. —sa panulat ni Abby Malanday