Dapat tiyakin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagiging patas atmalinis ng halalan sa Mayo a–9.
Ito ang panawagan ng election watchdog na National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) matapos ang pagkakatalaga ng bagong chairman at commissioners ng COMELEC.
Ayon sa NAMFREL, dapat pangatawanan ng poll body ang malinis na eleksyon, lalo’t requirement sa Automated Election System Law ang pagkakaroon ng “transparent at credible” na halalan at mabilis at wastong resulta.
Naniniwala ang election watch dog na ang pagtalima ng comelec sa polisiya ng “transparency at inclusivity” ay mahalaga upang makuha ang tiwala ng publiko at mapatatag ang integridad ng poll body maging ng halalan.