Labag sa saligang batas ang panukalang ipagpaliban o ipatigil na ng tuluyan ang nakatakdang pambansa at lokal na halalan sa taong 2022.
Ito’y ayon sa National Movement for Free Elections (Namfrel) ay kasunod ng naging hirit ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo para pag-ingatan ang publiko sa epekto ng COVID-19.
Sa isang kalatas, sinabi ng Namfrel na tatanggalan ng karapatan ang publiko na papanagutin ang mga opisyal ng pamahalaang nagwaldas sa pera ng bayan.
Tiwala naman ang namfrel sa Commission on Elections (Comelec) sa ginagawang paghahanda nito upang tiyakin na magiging patas, ligtas at malayang maidaos ang halalan sa gitna ng pandemya.