Iginiit ng NAMFREL o National Citizens Movement for Free Elections ang pagtutol nito sa panukalang ipagpaliban ang barangay election na nakatakda sa susunod na taon.
Binigyang diin sa DWIZ ni NAMFREL Secretary Eric Alvia regular dapat na isinagawa ang eleksyon dahil ito ang isinasaad ng batas.
Ayon kay ALlvia, kung extension lamang ng termino ng mga barangay officials ang habol ng pagpapaliban sa eleksyon, dapat ay amyendahan na lang ang batas at pahabain na ang termino.
Una rito, sinabi ni Senator Elect Bong Go na imumungkahi niyang isagawa na lamang ang barangay elections sa 2020 upang maging apat na taon rin ang panunungkulan ng mga barangay officials tulad ng mga pinalitan nila sa pwesto.
Matatandaan na bago ang barangay elections noong 2018 ay ilang beses itong pinagpaliban kaya’t humaba ang termino ng mga nakaupong barangay officials.
“Ang eleksyon talaga ay dapat may regularity at isa pa, pagkakataon na ito ng taong bayan na itesting…kung anong ayaw ng taong bayan dahil hindi siya nagperform in 2 years then mag eleksyon tayo na pwede nating palitan yung barangay captain na yun.”
(Ratsada Balita interview)