Tila may umiinit na iringan sa pagitan ng ilang mga mahistrado ng Korte Suprema at ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito’y makaraang kuwestyunin ni Associate Justice Teresita Leonardo – de Castro ang mga ipinalalabas na administrative orders ni Chief Justice Sereno.
Sa limang pahinang memorandum, hiniling ni De Castro sa kaniyang mga kapwa mahistrado na busisiin ang mga inilabas na kautusan ng punong mahistrado na hindi umano kinonsulta sa kanila bilang isang collegial body.
Kabilang sa mga pinarerepaso ni De Castro ang appointment ni Sereno kay Atty. Brenda Jay Mendoza bilang pinuno ng Office for Philippine Mediation Center ng Philippine Judicial Academy.
Gayundin ang paglalabas umano ni Sereno ng travel allowance ng kaniyang staff na si Atty. Maria Lourdes Oliveros na bagama’t isang official trip ay hindi rin dumaan sa konsultasyon o pag-aapruba ng mga mahistrado.
By Jaymark Dagala
Namumuong iringan ng SC justices nabunyag was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882