Nagdulot ng takot sa mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Kanlaon, ang namuong cloud formation sa Negros Occidental.
Ayon sa mga residente, inakala nilang tornado o ipo-ipo ang cloud formation na sinasabing posibleng magdulot ng matinding pinsala sa kanilang lugar.
Pinawi naman ng Provincial Disaster Management Program Division ng Negros Occidental, ang takot ng mga residente kung saan, normal lamang umano ang ipinapakita ng mga ulap na may kakaibang hugis sa papawirin.