Ang Pilipinas pa rin ang nagmamay-ari sa Scarborough Shoal.
Ito ang inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino bilang paglilinaw at sagot na rin kay Incoming President Rodrigo Duterte na kumukwestyon kung paano umano nawala sa bansa ang teritoryong pinag-aagawan sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ng Pangulong Aquino na ang Scarborough Shoal ay 120 nautical miles sa Masinloc, Zambales at sakop pa ito ng 200-mile exclusive economic zone.
Una rito, inihayag ni Duterte na dahil umano sa back channel talks ng gobyerno sa bansang China sa pamamagitan ni Senador Antonio Trillanes IV ay nawala na sa Pilipinas ang Scarborough Shoal dahil sa paniwalang ibinenta na ito sa bansang China.
By: Meann Tanbio