Kagaya ng sinasabi nila, walang perpektong pamilya ang nag-eexist, katulad na lang ng pamilya na ito na matapos magkaroon ng lamat ang pagsasama-sama ay nauwi sa paninira at panununog ng mga personal na gamit.
Kung ano ang buong pangyayari, eto.
Sa isang video na pinost ng nanay na si Maribel Lagbo sa kaniyang social media account, makikita ang patung-patong na graduation pictures, certificates, medals, at awards ng dalawa niyang mga anak na babae.
Pero hindi fini-flex ni Maribel ang achievements ng kaniyang mga anak kundi………. Sinusunog.
Maririnig sa video ang sunud-sunod na mga reklamo at hinanakit niya sa mga dalagita at tinawag ang mga ito na walang respeto at utang na loob.
Tila nagkaroon din ng pagtatalo ang mag-iina dahil ayon kay Maribel, sinabi ng mga dalagita na hindi raw ginusto ng mga ito na siya ang maging nanay nila. Bukod pa riyan, mas pinili rin daw ng mga ito na makipag-live in sa halip na tulungan siya, at wala rin daw magandang pinatunguhan ang mga ito matapos niyang pag-aralin.
Kung bakit ganoon na lang kasama ang loob ni Maribel? ‘Yon ay dahil iniwan pala sila ng tatay ng dalawang dalagita kung kaya siya ang mag-isang nagpakahirap na kumayod sa trabaho para maibigay ang mga pangangailangan at pag-aaral ng mga ito.
Dahil sa naranasan sa mismong mga anak, nagpaalala si Maribel sa mga kapwa niya single mother na huwag i-spoil ang mga anak.
Hhalu-halo naman ang naging opinyon ng mga netizen sa comments sa sections ng posts ni Maribel. Ang iba ay tutol sa ginawa niyang pagsunog sa achievements ng dalagita, habang may iilan na hindi sangayon sa pagsasapubliko ni Maribel sa problema nilang mag-anak.
Ikaw, sa paanong paraan kayo nag-rereconcile ng pamilya mo?