Nahuli ang 28 taong gulang na babae at apat na iba pa matapos isalang sa online kalaswaan ang ilang menor de edad kabilang ang kaniyang sariling anak.
Sa isang ulat, agad na kumilos ang tauhan ng National Bureau of Investigation-Violence Against Women and Children Desk (NBI-VAWCD) at NBI Forensic Laboratory Division (FLD) nang ipakita ng suspek sa undercover agent ang mga batang isasalang sa Cybersex.
Sinabi ni Atty. Gisele Garcia-Dumlao, tagapagsalita ng NBI, matapos salakayin ng NBI-VAWCD at FLD. naaktuhan nila ang suspek na ino-offer ang dalawang menor de edad habang nasagip naman ang pitong menor de edad.
Sinampahan sa paglabag sa Child Abuse Law, Child Trafficking at paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang limang suspek. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon