Tumaas ng 10% ang bilang ng mga nanay na namamatay dahil sa komplikasyon sa panganganak.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 468 maternal deaths ang naitala sa unang anim na buwan ng taong ito mula sa 425 na naitala nuong kaparehong panahon nuong nakaraang taon.
Ayon kay Lolito Tacardon, Executive Director of the Commission for Population and Development (POPCOM), kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang pagtaas ng maternal deaths sa bansa.
Paliwanag pa ni Tacardon na maaaring may kinalaman ito sa kalidad ng healthcare services na natatanggap ng mga nanay sa bansa.
Pinaalalahanan naman ni Tacardon ang mga nanay na bumisita sa pinakamalapit na public health facility para makapag-avail ng pre-natal and post-natal services.