Muling iniluklok ng mga mambabatas sa Estados Unidos ang kauna-unahang babaeng House Speaker na si Nancy Pelosi sa posisyon para pamunuan ang kongreso para sa papasok na bagong administrasyong Biden.
Ninomina si Pelosi sa isinagawang virtual leadership election ng mga kapwa niya mambabatas.
Ani Pelosi, ‘very, very honored’ o isang karangalan ang pagboto sa kanya ng mga mambabatas, at nangakong pangungunahan ang pagtugon laban sa nagpapatuloy na COVID-19 crisis.
Paliwanag pa ni Pelosi, sa panibagong yugto ng kanyang panunungkulan, titiyakin nitong magkakaruon ng hustisya sa ekonomiya ang kanilang ipapasang mga batas.
Mababatid na sa paparating na kongreso, ika-4 na beses nang magsisilbi si Pelosi bilang House Speaker ng Estados Unidos.