Naaresto na ng SWAT unit ng Manila Police District (MPD) ang hostage taker sa Champaca St. Brgy. 900 Punta, Sta. Ana, Manila.
Kinilala ang suspek na si Robert Senarillos, 35 taong gulang.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, sinasabing hiwalayan nila ng kaniyang kinakasama ang naging dahilan ng pangho-hostage ng suspek sa kaniyang apat na menor-de-edad na mga pamangkin.
Sinabi naman ni MPD Director PBGEN Andre Dizon na sasailalim sa drug test ang suspek upang malaman kung gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.
Nasa kustodiya naman ng medical team ng MPD ang mga biktima upang sumailalim sa counseling.
Samantala, mahaharap naman si Senarillos sa patong-patong na kaso kabilang dito ang kidnapping, serious illegal detention resulting in physical injury at depende naman sa piskalya ang itatagal ni Senarillos sa piitan. —mula sa panulat ni Hannah Oledan