Ipinag-utos ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA ang pagpapasara sa Nangaramoan Beach sa Sta. Ana, Cagayan na itinuturing na isa sa pinakamagandang dalampasigan sa Pilipinas.
Ito’y makaraang ipag-utos ni CEZA Executive Officer Raul Lambino kasunod ng mga naitalang paglabag ng mga namamahala sa naturang dalampasigan dahil sa paglabag sa sanitation facilities, environmental laws at building construction.
Naging problema ng lokal na pamahalaan sa naturang lugar ang pagtatayo ng bahay partikular na iyong mga malalapit sa dalampasigan maging sa kabundukang nakapaligid duon.
Magugunitang kinilala ng isang international news network ang Nangaramoan Beach bilang one of the best in the world nuong 2013 at naging location din ito ng US Reality Series na Survivor makalipas ang isang taon.