Ang pangangarap ay magandang gabay para maabot ang mga nais sa buhay lalo na sa mga Pilipinong nakaranas ng mahirap na buhay.
Kaya naman, sadyang dapat kunin o hablutin ang anumang pagkakataon at mga pintuang binubuksan para sayo na maaaring maging daan hindi lamang para umahon ka sa hirap kundi maging ng iyong pamilya.
At para sa kanila, malaking pagkakataon ang edukasyon para matupad ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng mga kinakailangang kaalaman at skills at lakas ng loob na siya ring nagtutulak sa SM Foundation Incorporated para I-welcome ang unang batch ng kanilang scholars, tatlong dekada na ang nakakalipas.
Isa na rito si Junie Anne Mariano na ang magulang ay pawang fish vendors sa Cauyan, Isabela na matinding naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Junie, mahirap talaga ang buhay nila lalo’t pinagkakasya ng kanyang mga magulang ang kinikita sa kanilang pamilya kaya naman malaking pasasalamat niya sa SM Foundation Incorporated sa ipinagkatiwala sa kanyang scholarship na ipinagpursige nya bilang panganay na anak.
Bago pa man binuksan ng SMFI ang pinto nila kay Junie, sinabi nitong hindi siya nawalan ng pag-asang makakapagtapos ng pag-aaral, makakapagtrabaho, mapag-aaral ang mga kapatid at tuluyang maia ahon sa hirap ang buong pamilya.
Ayon pa kay Junie, ang pagkakapili sa kanya bilang SMFI scholar sa kursong secondary education sa isang unibersidad sa Cauayan City ay nagbukas din sa kanya para matuto pa sa buhay at mahasa ang kanyang communications skills sa pamamagitan ng part time jobs sa sm store sa SM CIty Cauayan kung saan ang kanyang kita ay naipantutustos din sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid.
At habang nagre-review para sa Licensure Examination for Teachers (LET)nagturo si Junie sa isang private school sa kanilang lungsod kung saan ang kinikita niya ay naipambibili na nila ng ulam at pantustos sa iba pang pangangailangan ng pamilya.
Nitong Marso, naabot na ni Junie ang pangarap na maging guro na nagbukas din sa iba pa nyang aspirations tulad nang pagkuha ng masters degree kasabay ang unti-unti nang pagtupad sa aniya’y pangakong buuin ang pangarap nya sa kanyang pamilya na hindi ipinagkait ng Sm Foundation Incorporated.