Apat sa 10 kabataan ang naniniwalang ang usapin sa “climate change” ang pinakamahalagang isyu na kinahaharap ng buong mundo.
Batay ito sa ipinalabas na survey ng Amnesty International kasabay ng paggunita sa human rights day.
Anila, 41% ng mga kabataan ang pumili sa climate change bilang pinakamahalagang isyu na kinakailangang mabigyan ng agarang aksyon.
Ayon kay Amnesty Secretary General Kumi Naidoo, makikita rin ito sa mabilis na pagdami ng mga kabataang sumasali sa mga protestang may kaugnayan sa climate change.
Dagdag ni Naidoo, maituturing na “wake up call” sa iba’t-ibang mga lider sa buong mundo ang resulta ng survey para kumilos at gumawa ng mga hakbang para matugunan ang krisis sa klima.
Samantala, pumangalawa naman sa listahan ng mga usaping itinuturing na mahalaga para sa kabataan ang polusyon at sinundan ng terorismo.
Isinagawa ng Amnesty International ang survey sa mahigit 10,000 kabataang may edad 18 hanggang 25 mula sa 22 bansa sa buong mundo.