Nangunguna si presidential aspirant Ferdinand “Bong bong” Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte sa isinagawang independent and non-commissioned survey sa presidential and vice presidential poll.
Batay sa pahayag sa final list survey, 56.7% ang pumabor kay Bong Bong Marcos kung saan mas mataas kay Leni Robredo na nakakuha lamang 15.4% mark at Manila Mayor Isko Moreno na 6.9% na isinagawa sa iba’t ibang rehiyon.
Habang nakakuha naman si Senator Bong Go ng 4. 1% , Manny Pacquiao, 3.0% at Panfilo Lacson, 2.9%.
Nangunguna rin si Vice Presidentiable sa poll si Davao City Mayor Sara Duterte sa naturang survey na sinundan ni senate president Vicente Tito Sotto III.
Minsan na namang napatunayan na ang kultura ng mga Pilipino na palaging namamayani ang inaapi o underdog kaya’t patuloy sa pamamayagpag si Marcos sa 2022 presidentiables.
Nagtala rin si Marcos ng pinakamataas na boto sa mga respondent na kung saan hindi bababa sa 80% ang nanindigan na ito talaga ang kanilang pinili.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 18 kung saan nasa 1,500 registered voters ang nagsilbing respondents.