Maraming katanungan na kailangang sagutin ang may-ari ng Casino Resorts World.
Ayon kay Senate President Aquilino “koko” Pimentel, ang unang tanong na dapat nilang sagutin ay kung ano ang nangyari sa kanilang security arrangements kung saan nagawa ng isang tao lang na sunugin ang kanilang gaming floor at nakawin ang mahigit 100 Milyong halaga ng chips.
Ikalawa ay kung gumana ba ang sprinkler system.
Nais ding malaman ni Pimentel kung ang concern lang ng PAGCOR ay ang gambling operations ng mga private casino o concern din ba nila ang security arrangement at physical matter tulad ng fire safety ng mga establisyimyeto kung saan pinapayagan nila ang casino.
Kumbinsido si Pimentel na isa itong criminal incident at walang kaugnayan sa invasion, rebelyon at maging sa terorismo.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno