Duda ang isang digital expert kung cloning o hacking ang nangyayaring pagdami ng duplicate accounts sa facebook.
Ayon kay Art Samaniego, Technews Editor ng Manila Bulletin, maaaring isa itong uri ng bug na resulta ng ilang pagbabago na kamakailan lamang isinagawa ng facebook.
Kumbinsido rin si Samaniego na wala itong kinalaman sa political issues tulad ng kampanya para ibasura ang anti-terror bill dahil kasama na mga naglipana ngayong duplicate account ang FB page ng mga kilalang kakampi ng administrasyon.
So, ibig sabihin nito hindi lang ang mga taong against sa anti-terror bill ang naaapektuhan nito, malawakang problema ito so, kung hacking man ‘to dapat nating isipin na yung mga hackers hindi namimili ng anong relihiyon po, anong political belief mo, ano ang gender mo so, lahat tayo nito pwedeng maging vulnerable sa hacking na nangyayari nito,” ani Samaniego.
Pinayuhan ni Samaniego ang mga gumagamit ng facebook na tiyakin na lamang na secured ang kanilang FB account upang makaiwas sa disgrasya kung sakali mang cloning nga o hacking ang nangyayayari ngayon.
So, una nating dapat gawin i-secure ang ating mga facebook accounts natin para ma-secure yun kung naka-privacy setting may mga pwedeng gawin dun halimbawa, password authentification at nandun yun mapipili mo saka pwede mo makita kung sino naka-log in sa account mo at i-log out mo yun kung hindi mo kilala ang mga yun,” ani Samaniego. — Panayam mula sa Ratsada Balita.