Kinumpirma ni Pilar, Abra Mayor Mark Somera ang pagkasawi ng isang taga suporta ni Vice Mayor Josefina Disono.
Ito’y matapos maipit sa engkwentro sa pagitan ng mga Pulis at ng mga tauhan ng bise Alkalde kaninang umaga na umabot pa sa habulan.
Ayon kay Somera, papasok na umano sa Munisipyo ang convoy ni Disono galing sa isang aktibidad nang paulanan ng bala ng mga Pulis na nakahimpil sa inilatag nilang checkpoint sa Brgy. Poblacion.
Pero batay naman sa ulat ng Pilar Municipal Police Station, sa halip na huminto ay kumaripas pa ang sasakyan ng Bise Alkalde sa checkpoint ng Pulisya kaya ito pinaputukan.
Hinabol ng mga Pulis ang sasakyan ni Dinoso na nakipag palitan din ng putok sa mga awtoridad hanggang sa dumating na sila sa bahay ng Bise Alkalde.
Bagaman may kaniya-kaniyang bersyon ang magkabilang panig gayundin ng akusasyon ay kasalukuyan nang naka kordon ang bahay ni Disono habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)