Pinaiimbestigahan ng isang mambabatas sa San Juan PNP ang nangyaring gulo sa NCAA na kinasangkutan ng mga manlalaro ng College of St. Benilde at Jose Rizal University.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, ang ginawang panununtok at panunulak ng JRU player na John Amores sa mga atleta ng St. Benilde, ay maituturing na police matter.
Ayon kay Chua na Vice-Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, isang public order and safety concern ang insidente dahil ito’y nangyari sa pampublikong lugar.
Sinabi ni Chua na walang regulasyon at governing police intervention sa basketball games kaya dapat na matugunan ito ng gobyerno.
Sa kabila nito, iginiit ng mambabatas na dapat ay inaresto na ng PNP on duty sa venue si Amores o di kaya ay gumamit ang mga ito ng citizen’s arrest para mas naagapan pa ang insidente.