Nakatakdang tumulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Samar para bisitahin ang labi ng mga nasawing pulis
Ito’y hinggil sa nangyaring misencounter sa pagitan ng militar at pulisya sa Sitio Lunoy, Barangay Rosal, sa bayan ng Villareal kung saan, anim na pulis ang patay habang siyam na iba pa ang sugatan
Ayon sa Pangulo, maituturing aniyang Murphy’s Law ang nangyaring misencounter na ang ibig sabihin ay hindi mapipigilan ang anumang pangyayari kung ito’y nakatakdang mangyari
Magugunitang kapwa nagsasagawa ng kani-kanilang operasyon ang militar at pulisya sa lugar kontra sa mga masasamang elemento sa lugar nang mangyari ang insidente
I’m just sad that there was this mis encounter, nanghinayang ako sa, nobody wants it. Actually what happened there is the Murphy’s Law. If anything can go wrong, it will go wrong. Just like the mis encounter, so I want to go there, punta ako doon and I want the Army to go with me to visit, Hindi naman sinadya yan eh, just the same, you have to show the camaraderie, esprit de corps in the uniformed outfit of our government. Pahayag ni Pangulong Duterte
Kasunod niyan, muling binuhay ni Pangulong Duterte ang panukalang armasan ang mga lokal na opisyal maging ang mga taga-barangay upang tumulong na labanan ang terorismo sa bansa
Pag aralan muna namin sa cabinet. I will consult halos mga military man sila tanan is, no heavy firearm, just shotgun, tingnan mo lahat ng tinamaan ng ganyan? O mga tanod, siguruhin ninyo, caliber 22 basta may panlaban lang. Pahayag ni Pangulong Duterte