Kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang ginawang pag-atake ng apat na armadong kalalakihan sa printing press ng Abante, lunes ng umaga, sa lungsod ng Paranaque.
Ito ay matapos puwersahang sinalakay ng mga suspek ang planta ng Abante kung saan dalawa sa kanilang mga empleyado ang nasaktan.
Ayon kay Presidential Spokeperson Atty Salvador Panelo, iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.
Pinatitiyak din ng pangulo na mananagot kung sino man ang nasa likod nito.
Una nang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security Undersecretary Joel Egco na inatasan na siya nila Justice Secretary Menardo Guevarra at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.