Hindi naniniwala si Speaker Pantaleon Alvarez sa sinasabi ng mga otoridad na pagnanakaw lamang ang motibo sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 katao, kabilang na ang suspek.
Ayon kay Alvarez, isang malinaw na halimbawa ng lone wolf terrorist attack ang nangyari na ang pakay anya ay kumitil ng maraming buhay at makasira ng mga ari-arian, gaya ng mga nangyayari sa ibang bansa.
Hindi naman na ipinaliwanag ni Alvarez kung bakit niya nasabing terorismo ang pag-atake.
Pero ayon sa kongresista, dapat na itong magsilbing wake-up call sa mga pulis at sundalo para paigtingin pa ang ugnayan sa isa’t isa upang matiyak ang seguridad sa Metro Manila at iba pang urban centers sa bansa.
By Jonathan Andal