Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng umaabot sa 50 iba pa.
Ayon kay Robredo, sobrang nakapangingilabot ang naturang pag-akate sa panahon ng pandemiya kung saan higit na kinakailangan ang pagtutulungan para matugunan ang naging epekto nito sa kalusugan, ekonomiya, at pamumuhay ng lahat.
Hindi aniya makatao ang mga pagpatay sa kasalukuyang sitwasyon, anuman ang paraan at motibo nito.
Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang pangalawang pangulo sa pamilya ng mga nasawi gayundin sa mga nasugatan sa insidente.
Nanawagan din si Robredo sa pamahalaan na gawin ang lahat para mabigyan ng hustisya at mapanagot ang mga nasa likod ng naturang terror act.