Inako ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang pagpapasabog sa campaign rally sa mustang sa Pakistan.
Batay ito sa ipinalabas na pahayag ng ISIS sa pamamagitan ng Amaq News Agency bagama’t walang ibinigay na patunay ang nasabing teroristang grupo.
Samantala, sinabi ni Baluchistan Home Minister Agha Omer Bangulzai, sumampa na sa 128 ang nasawi habang mahigit 150 ang nasugatan sa nasabing suicide bombing incident.
Ito na ang maituturing na pinakamatinding pag-atake sa Pakistan sa loob ng tatlong taon at pangatlong insidenteng may kinalaman sa eleksyon ngayong linggo.