Iimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pananambang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.
Ayon kay CHR Comm. Gwen Pimentel – Gana, bagama’t hindi nila kinukonsinte ang ginawang pananakit ni Navarro sa isang masahista sa Cebu City, pero hindi ibig sabihin nito na nararapat lang ang kaniyang sinapit.
Partikular aniyang na sisilipin ng CHR ang anggulong may kaugnayan sa iligal na droga ang pagpatay kay Navarro lalo’t kinumpirma ng pulisya na kabilang ito sa mga narco politicians
Magugunitang hindi bababa sa sampu ang bilang ng mga bumaril kay Mayor Navarro habang ibinibiyahe ng PNP patungong Cebu City Prosecutor’s Office para isailalim sa inquest dahil sa reklamong pananakit na iniharap laban sa kaniya.