Nais na papanagutin ng TUCP o Trade Union Congress of the Philippines ang gobyerno at kumpanyang SSI o Survey Sampling International sa nangyaring sunog sa NCCC mall kung saan umabot sa 38 ang nasawi.
Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, kung na – inspeksyon lamang ng Department of Labor and Employment Regional Office ang naturang mall ay nakita sana nito ang ilang violation sa safety standards.
Malaki rin aniya ang obligasyon ng SSI Call Center Company sa nangyaring trahedya.
“Sinisigurado ho ng SSI na maayos yung lugar, malinis, at higit sa lahat, nag co-comply tayo sa mga standards kasi yung mga standards na yan, ay yan yung magbibigay ng kasiguruhan na maging condusive at productive yung mga manggagawa natin, hindi yung pagta-trabahuhin natin sila sa isang lugar at yun pala ilalagay natin sila sa mga peligrong ganito.”