Nanindigan si PhilHealth officer-in-charge Celestina Maria Jude Dela Serna na wala siyang nilalabag na batas.
Ito ang depensa ni Dela Serna kaugnay sa mga kontrobersyang ibinabato laban sa kanya matapos ang pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on the National Health Insurance.
Ayon kay Dela Serna, marami na ang nasabi laban sa kanya at kanyang liderato maging sa PhilHealth subalit kanyang tinitiyak na protektado ang pondo ng naturang government-owned-corporation.
Sumusunod aniya sila sa lahat ng rules and regulations ng gobyerno at hindi kinukunsinte ang pagnanakaw dahil ito ang kanyang commitment sa publiko.
Nakikipagtulungan na rin ang PhilHealth sa mga law enforcement agency upang imbestigahan ang anumang kaso ng korapsyon sa ahensya at handa rin silang kasuhan ang sinuman na mapapatunayang sangkot sa katiwalian.
—-