Para sa mga babad ang mata sa computer sa gitna ng trabaho o requirements sa paaralan.
Ano nga ba ang mga tips para maging malinaw ang mata;
- Kumain ng maraming gulay at prutas lalo na ang mga berdeng talbos ng gulay.
- Kumain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tamban, tawilis, dilis, hito, hipon, salmon, alumahan, tuna, tambakol, tanigi, tulingan at salinyasi.
- Mag-suot ng sunglasses para masala ang ultraviolet A at B rays.
- Sa pagtatrabaho magsuot ng eye protection glasses.
- Huwag manigarilyo.
- Ipagamot ang mga sakit tulad ng high blood, diabetes at alamin ang sakit sa pamilya.
- Magpa-check-up ng mata. Kung edad kwarenta pataas, kailangan kada 2 hanggang 4 na taon, habang 1 hanggang 2 kada taon sa edad animnapu pataas. —sa panulat ni Abby Malanday