Nalusutan ni Defending Champion Naomi Osaka ang matinding hamon mula kay Colombian Star Camila Osorio upang umusad sa 2nd round ng Australian Open sa score na 6-3, 6-3 sa Rod Laver Arena.
Pursigido ang Japanese Player na dating World Number 1 na sungkitin ang panalo matapos umarangkada sa 5-0 lead sa opening set pero unang hold ng serve ang nagpasigla kay Osorio na nagsimulang humabol sa lahat ng ibinato ni Osaka.
Kinailangan ni Osaka na mag-save ng dalawang break points upang hawakan ang serve sa unang set bago manaig sa bagitong World Number 50 sa kanyang mga agresibong shot mula sa baseline.