Itinanghal na kauna-unahang Japanese undisputed bantamweight champion of the world ang 29 anyos na si Naoya Inoue.
Ito ay matapos talunin ni Inoue via knock-out si Paul Butler ng Britain sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan
Dahil sa panalo, si Inoue na ang itinuturing na WBC, WBA, WBO at IBF Bantamweight World Champion at kauna-unahang Japanese sa boxing history na hinawakan ang apat na titulo mula sa major sanctioning body.
Napanatili naman ni Inoue na malinis ang kanyang record sa 24-0 na may 21 knockouts.