Ikinadismaya ni Seante Committee on Women, Family Realtions and Gender Eaqulity Risa Hontiveros ang napaulat na nakapagpiyansa ang businessman na si Tony Yang.
Ayon kay Sen. Hontiveros, nakatanggap siya ng reports na may mga opisyal ng Bureau of Immigration ang nagtangkang itulak ang pagpiyansa ni Tony Yang.
Napakarami na aniyang ebidensyang nagpapatunay na inabuso ni tony ang mga batas sa Pilipinas tapos palalayain lang aniya ito.
Giit pa ng senador na dapat lang itong manatili sa kulungan at kung kailangan aniya nito ng medical attention maaari naman itong ipagamot ngunit manatili sa government custody. – Sa panulat ni Jeraline Doinog