Inanunsyo ng ABS-CBN Corporation at TV5 Network Incorporated na hindi na matutuloy ang kanilang proposed investment deal.
Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng TV5 at ABS-CBN na magkasundo silang sumang-ayon na i-terminate ang investment agreement na may petsang August 10, 2022 na sumasaklaw sa pagkuha ng ABS-CBN ng 34.99% equity interest sa TV5.
Sinabi rin ng Sky Vision Corp., Lopez Inc. at Cignal Cable Corp na nagkasundo rin silang wakasan ang sale and purchase agreement na sumasaklaw sa panukalang pagkuha ng Cignal Globe ng 38.88% equity interest sa Sky Cable Corp.
Una nang nahinto ang proposed investment deal para matugunan ng dalawang kumpanya ang mga alalahanin ng ilang mambabatas kung saan sang pagsisiyasat ang inilunsad ng House of Representatives upang matukoy kung may mga batas na nilabag ang nasabing kasunduan.
Sinabi ng National Telecommunications (NTC) na kailangang kumuha ng clearance ang ABS-CBN at TV5 mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno bago sila magpatuloy sa naturang deal.