Asahan na ang napakabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Divisoria sa Maynila mahigit dalawang linggo bago ang Pasko.
Ito’y dahil sa dagsa ng mga mamimili para sa kanilang Christmas shopping na pinalala pa ng mga walang disiplinang tindero, pedestrian at pedicab drivers.
Pagpasok pa lamang ng Kalye Abad Santos mula sa Tondo, aabutin na ng halos 2 oras bago marating ang Binondo dahil sa usad pagong na daloy ng mga sasakyan.
Halos langawin din ang inilagay na footbridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lugar dahil sa hindi ito pinapansin ng mga mamimili sa katuwirang, ubos oras umano ang pag-akyat dito.
By Jaymark Dagala