Kahiya-hiya ang napakaraming delegasyon ng Pilipinas na dumalo sa arbitration case sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Atty. Harry Roque, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may bansang nagdala ng higit sa 50 kataong delegasyon gayong tatlo lamang sa mga ito ang talagang may papel sa pagdinig.
Aniya, napakaliit ng hearing room ng international court of justice kaya’t kadalasan ay lima hanggang sampung abogado lamang ang ipinadadala doon.
By Rianne Briones | Karambola