Muling nakaranas ng napakatinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang libu-libong motorista at pasahero sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila, kahapon.
Ito’y bunsod ng kaliwa’t kanang road repair, ilang naitalang vehicular accident at sale sa mga mall na nataon namang “Payday Friday.”
Umaga pa lamang nang magsimulang sumikip ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA, C-5, Roxas Boulevard, Ortigas, Commonwealth at Quezon Avenues maging sa Marcos Highway na sinabayan pa ng napaka-init na panahon.
Pasado alas 9:00 naman kagabi ay halos wala ng galawan ang mga sasakyan sa EDSA-Northbound tulad sa North Avenue kung saan matatagpuan ang SM North at Trinoma Malls; FB.Harrison sa Pasay hanggang Santolan, Quezon City; C-5 Northbound mula Market Market, Taguig hanggang Green meadows, Quezon City maging sa Marcos Highway southbound mula LRT-Santolan Station hanggang Robinsons Metro-East Pasig.
Ibinuhos naman ng ilang netizen sa iba’t ibang social media site ang kanilang pagka-buwisit lalo’t marami na naman ang na-late sa trabaho maging sa pag-uwi.
SMW: RPE