Dismayado si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa napurnadang pangakong 30,000 dose ng Moderna vaccine doses para sa mga empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa kanyang Twitter account ibinulalas ni Locsin ang kanyang pangga-galaiti sa naunsyaming supply ng Moderna.
Hindi naman idinetalye ng kalihim ang dahilan ng pagkabalam ng pagdating ng mga bakuna.
Magugunitang nagalit din ang kalihim sa napako ring 10 milyon doses ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa DFA noong Disyembre 2020 na idedeliver sana noong Enero.—sa panulat ni Drew Nacino