Tinatayang 3,000 katao kabilang ang halos 1,000 sibilyan ang patay sa Syrian Civil War, noon lamang Setyembre.
Sa halos 1,000 sibilyan na nasawi noong Setyembre, 207 ay mga bata.
Ito, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, ang pinakamadugong serye ng bakbakan at bombahan sa Syria sa loob lamang ng isang buwan.
Karamihan sa mga biktima ay nasawi sa airstrikes na inilunsad ng Syrian at Russian Forces na nakikipagsagupaan naman sa Islamic State at mga rebelde.
Pinakamaraming naitalang casualty sa Idlib at Deir Ez-zor Provinces na tinatangkang bawiin ng gobyerno sa kamay ng ISIS at Syrian rebel groups.
—-