Pumalo na sa 32 ang bilang ng Abu Sayyaf na napatay makaraang ipag utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpulbos sa mga bandido.
Pinakahuli rito ang dalawang nasawi matapos maka enkuwentro ang tropa ng 35th at 21st Infantry Batallion ang tinatayang tatlumpung miyembro ng Abu Sayyaf sa bulubunduking bahagi ng Patikul Sulu.
Mismong ang mga residente sa lugar ang di umanoy nagsabing nakita nilang inililibing ang dalawang nasawi .
Samantala, marami pa di umano ang nakita nilang sugatan sa mga tumatakas na Abu Sayyaf Group na pinamumunuan nina Jamiri Jaong Jawhari at BASARON arok, dalawa sa mga kilalang subleaders ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Brig General Arnel Dela Vega, Commander ng Joint Task Force Sulu, unti unti nang tumutulong ang residente para protektahan ang kanilang komunidad mula sa Abu Sayyaf.
Kumpiyansa si Dela Vega na makukuha rin nila ang buong tiwala ng mga residente kung saan nagkakanlong ang Abu Sayyaf upang tuluyan nang matapos ang pamamayagpag ng mga bandido.
By: Len Aguirre