Humarap na sa kanyang kauna-unahang court appearance ang napatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ang naturang court appearance ay kaugnay sa mga kasong inihain laban sa kanya ng mga lider ng mga militar.
Ayon sa abogado ni Suu Kyi, umabot lamang ng 30 minuto ang pag-uusap.
Sinabi ng dating lider , patuloy pa rin siyang susuportahan ng kanyang partido hangga’t maraming mamammayan ng myanmar ang kanyang kakampi.
Magugunitang, nagkaroon ng kilos protesta sa Myanmar makaraang agawin ng militar ang pamumuno kung saan mahigit 800 ang namatay noong a-uno ng Pebrero.