Tukoy na ng mga tropa ng militar ang pagkakakilanlan ng isang miyembro ng Abu Sayyaf na napatay ng militar sa sumiklab na bakbakan sa Patikul, Sulu kaninang umaga.
Kinilala ni Joint Task Force Sulu Spokesman Lt/Col. Ronaldo Mateo ang napatay na Abu Sayyaf na si Arsibar Sawadjaan na pinsan ni ASG Leader Mundi Sawadjaan.
Napatay si Arsibar ng mga tropa ng 45th infantry battalion sa pansamantalang pinagtataguan nito sa BRGY. mALIGAY sa nabanggit na bayan batay na rin sa natanggap nilang mga impormasyon mula sa mga residente sa lugar.
Si Arsibar ay isa sa mga sub leader ng grupo at kilala rin ito bilang isang bomb maker na sinasabing kabilang sa mga nasa likod ng sunod-sunod na pag-atake at pambobomba sa lalawigan.
Kasama si Arsibar sa grupo ng kaniyang pinsan gayundin ni ASG Leader Radulan Sahiron na nagpapaikot-ikot sa mga bayan ng Indanan, Talipao at Patikul para mangalap ng pagkain at makapagpalakas ng puwersa.
LEAD: Isa pang miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa nagpapatuloy na sagupaan ng Militar at ASG sa Patikul, Sulu | via @jaymarkdagala https://t.co/HJWVubVTa3
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 28, 2020