Sumampa na sa 4,251 ang mga drug suspect na napapatay sa halos dalawang taong war on drugs ng administrasyong Duterte.
Kanina, sa press briefing sa Camp Crame, iniulat ni dating Philippine National Police o PNP Director for Operations at ngayon ay National Capital Region Police Office o NCRPO Director Camilo Cascolan ang datos ng ‘real numbers’ kung saan bukod sa higit 4,000 na napaslang mayroon ding 142,069 drug suspects ang naaresto sa 98,799 na anti-drug operations na ikinasa mula July 1, 2016 hanggang April 30, 2018.
Pumalo naman sa 2,676.60 kilos o katumbas ng halagang 13.31 billion pesos ng shabu ang nasamsam.
Habang nasa 20.23 billion pesos ng mga kemikal at gamit sa paggawa ng iligal na droga ang nadiskubre sa nasabing panahon.
Sa panig naman ng gobyerno, nasa 504 na mga tauhan ng pamahalaan ang naaresto dahil sa iligal na droga kung saan 239 ang mga government employees, 237 ang elected officials at 48 ang uniformed personnel.
—-