Positibong tinanggap ng mga ekonomiya at merkado sa Asya ang report kaugnay sa pagkikita at pag uusap nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Bahagyang umangat ang merkado sa South Korea at Japan dahil sa napaulat na US-Nokor breakthrough.
Positibo rin ang epekto ng naturang report ang Hongkong Hang Seng at Stock Exchange sa China.
Mistula namang nakahinga ng maluwag ang ilang investors sa rehiyon mula sa naunang pangamba sa posibleng pagsiklab ng giyera sa Korean peninsula.